Pinaghanguan ng mga tula mga Tula ng Rebolusyong Pilipino 1972-1980 (Palimbagang Pulang Tala, 1982). Bp. 202. Pinotoistensil. Ulos, 1, 1987. Nakalimbag






descargar 0.54 Mb.
títuloPinaghanguan ng mga tula mga Tula ng Rebolusyong Pilipino 1972-1980 (Palimbagang Pulang Tala, 1982). Bp. 202. Pinotoistensil. Ulos, 1, 1987. Nakalimbag
página1/17
fecha de publicación03.06.2015
tamaño0.54 Mb.
tipoDocumentos
l.exam-10.com > Economía > Documentos
  1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   17
S T R,

MGA TULA NG DIGMANG BAYAN


SA PILIPINAS
POETRY OF PEOPLE’S WAR

IN THE PHILIPPINES

RUTH FIRMEZA

WILFREDO GACOSTA

JAIME KASANAG

EMMANUEL LACABA

LUCIA MAKABAYAN

SERVANDO MAGBANUA

KATALINO MAYLAYON

JASON MONTANA

KRIS MONTAÑES

EMIN PEÑA

Isinaayos ng

MAINSTREAM:
People’s Art, Literature and Education

Resources center

LINANG

(Kilusang sa Paglilinang ng Rebolusyonaryong

Panitikan at Sining sa Kanayunan)

PINAGHANGUAN NG MGA TULA



Mga Tula ng Rebolusyong Pilipino 1972-1980 (Palimbagang Pulang Tala, 1982). Bp. 202. Pinotoistensil.

Ulos, 1, 1987. Nakalimbag.


Sublak, I 1, Nobyembre 1983 (Panay). Pinotoistensil.

War Poems 1978-1980” ni Servando Magbanua (Panay, 1981). Bp. 28. Makinilyado.

“Mga Tula ng isang Pulang Mandirigma,” ni Geronimo Dulongtimog (Wilfredo Gacosta) Quezon City: Disyembre, 1976). Nakamimyo.

Hulagpos! nobela nina Mano de Verdades Posadas (Palimbagang Kubli, 1980). Bp. 268. Pinotoistensil.


“Sang-ayunan N’yo Kaya? ni Katalino Maylayon. (1984). Bp 19. Makinilyado.

“Pasasalamat” ni Katalino Maylayon (1983). Bp 15. nakamimyo. At iba pang makinilyadong koleksyon, hiwa-hiwalay na manuskrito, at ulat ng mga rehiyon tungkol sa gawaing pangkultura.

PASASALAMAT



Sa mga makatang naririto sa antolohiya;
Sa mga publikasyon at ulat ng mga rehiyon na pinaghanguan ng mga tula;
Sa Ispisyal na Komite sa Kultura (1981-84) na binuo nina H, R at B, gayundin kina B, R, J, B at S. Ang komiteng ito ang nagpasimuno sa pangangalap at pagsisistematisa ng mga likhang pansining at pampanitikan mula sa kanayunan;
Sa mga manunulat na tumulong sa pamimili, pag-eedit at pagsasalin ng mga tula, tulad nina R, M, Juan Mil Anos, Elias del Pilar, Kris Montañez, Julia Bangongbanta, Ariel Santos at iba pa. Ang kanilang mga inisyal ay nasa ibaba ng tulang kanilang isinalin;
Kay Jayjay Rojas, sa titulo ng antolohiya;
Kay Diwata Jose sa disenyo ng libro at kober.
Kay Bing sa peys-ap at superbisyon sa paglilimbag;
Sa LINANG (Kilusan sa Paglilinang ng Rebolusyonaryong Panitikan at Sining sa Kanayunan), sa kasigasigan maipalaganap ang ganitong mga materyal.

Patnugutan,
MAINSTREAM: People’s Art,

Literature and Education

Resources Center

INTRODUKSYON




ITO AY KALIPUNAN ng mga tulang nilikha ng mga rebolusyonaryong makata sa gitna ng digmang bayan sa Pilipinas, habang ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang mga organisadong pwersa ng kilusang Pambansa-demokratiko sa larangan ng Rebolusyonaryong kilusang masang magsasaka, ng armadong pakikibaka, pagtatayo ng lokal na organo ng kapangyarihang pampulitika ng mamamayan, o ng propaganda at edukasyon.

Naisulat ang mga tulang ito sa iba’t ibang bahagi ng kanayunan sa buong kapuluan, sa Hilagang Luson, Kabisayaan at Mindanaw, sa iba’t ibang panahon, kalagayan at antas ng pag-unlad ng digmang bayan.

Ang mga makata ay nagmula sa uring petiburges, pambansang burges at panginoong maylupa, nakapag-aral sa unibersidad, at may karanasan, kundiman katayuan, sa malikhaing pagsusulat. Gayunman, tinalikuran nila ang tradisyunal na padron ng pag-unlad ng karaniwang intelektwal sa isang lipunang malakolonyal at malapyudal; binago/binabago nila ang kanilang makauring paninindigan, tulad ng ibang mga rebolusyonaryo, para tunay na makapaglingkod sa sambayanan. Sa mga makatang naririto, di kukulangin sa tatlo ang nagbuwis ng buhay, sa panahon ng paghaharing US-Marcos at rehimeng US-Aquino, alang-alang sa pakikibaka ng mamamayan.

Ang mga tulang pinili para sa kalipunang ito ay naglalarawan ng iba’t ibang galaw ng buhay sa kanayunan, batay sa sariling karanasan at obserbasyon ng mga makata. Itinatampok sa mga tula ang makasaysayang paghulagpos ng mga rebolusyonaryong pwersa sa mga kampanyang pagkubkob-at-panunupil ng kaaway; ang pagpapatatag at pagpapalawak ng mga base at sonang gerilya; ang pagpapasulong ng kilusang masang magsasaka laban sa militarisasyon at tungo sa pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa; ang mahigpit na ugnayan ng masang anakpawis at Pulang mandirigma; at ang pamumuno ng proletaryado sa rebolusyon. Pinahahalagahan ang mga rebolusyonaryong martir, ang mga beterano ng rebolusyon, at ang mga. pagbabagong pampulitika, pang-ekonomya at pangkultura. sa pang araw araw na buhay ng masang anakpawis. At pinupuna (kabilang na ang pamumuna at pagpuna-sa-sarili ng mga makata), ang mga paurong na gawi at pagkilos sa hanay ng mamamayan at organisadong pwersa, samantalang kinokondena ang mga impiltrador at taksil sa rebolusyonaryong kilusan.

Ang tereyn ng digmang bayan ay mayamang tanawing inilalarawan sa mga tula. Ang gubat, ulan, ilog, bukid, parang, ay mga panandang bato ng pakikihamok at bukal ng mga batas sa pag-aaral at pagsasapraktika ng digmang bayan sa kanayunan. Ngunit higit sa lahat, ang nangingibabaw sa tanawing ito ay ang masang anakpawis sa kanilang mga dampa sa bundok at patag, bukas-loob sa pagtanggap sa kanilang mga Pulang mandirigma.

Naisulat ang mga tulang ito sa kasalukuyang paabanteng yugto ng istratehikong depensibo ng matagalang digmang bayan, sa pinakamahirap na bahagi nito ng pagpapasimula, pagpapaunlad at pagpapalawak ng kilusang masang magsasaka at armadong pakikibaka sa kanayunan. Ito ang limitasyong istoriko ng mga tula. Gayunman, ang diwa ng pagsasakripisyo at pag-asa sa tagumpay, ang pagtitiwala at pagpapakilos sa pinakamalawak na bahagdan ng mamamayan, ang militanteng proletaryong paninindigan, laluna sa panahon ng panghihina, ng pagkabagot, ng panlalansi ng kaaway, ng paghupa at pagdaloy ng rebolusyon ay mga pagpapahalagang nasa kaibuturan ng mga tula, at kung gayo’y patuloy silang makapagbibigay-sigla sa praktika ng pagrerebolusyon ng mamamayang Pilipino.

Nagsisilbi rin ang mga tula para ipahiwatig ang talambuhay ng mga rebolusyonaryong makata sa panahong sinasakop ng kanilang panulaan sa antolohiyang ito. Sa natatanging indibidwal na kaparaanan ng mga makata, ibinabahagi nila sa mambabasa, mula sa kabuuan ng kanilang kamalayang rebolusyonaryo, ang pagliliwanag ng isang binabagong daigdig—ng lipunan, ng sarili, ng kanilang panulaan. Bawat tula nila ay singkahulugan ng mga katagang STR (Sa Tagumpay ng Rebolusyon), ang karaniwang pahuling bati ng mga rebolusyonaryo sa kanilang mga liham—nagpapahatid ng pananabik sa muling pagkikita, ng pagpapasariwa sa sinumpaang panata, ng pagpapagunita sa mga tungkuling dapat harapin, ng buong buhay na pag-aalay sa kapakanan ng bayan, ng paniniyak sa katumpakan at pananagumpay ng pakikibaka para sa sambayanan.

Nasa mga tula ang tinig ng nakikibakang mamamayang Pilipino.
Gayanggang

Myembro, MAINSTREAM:

People’s Art, Literature and

Education Resource Center
Abra

29 Marso 1989


INTRODUCTION



THIS IS A COLLECTION of poems created by revolutionary poets in the midst of people’s war in the Philippines while attending to their tasks, as organized forces of the national democratic movement, in the revolutionary peasant mass movement, in the armed struggle, in establishing local organs of people’s political power, and in education and propaganda.

These were written in the various areas of the countryside throughout the archipelago, in Northern Luzon, in the Visayas and Mindanao, at different periods, conditions and levels of development of people’s war.

The poets came from the urban petty bourgeoisie, national bourgoisie and landlord class, studied in the universities and had acquired skills, if not public recognition, in creative writing. Nonetheless, they turned their backs on the traditional pattern of development of a regular intellectual in a semicolonial and semifeudal society; they changed/change their class standpoint, like other revolutionaries, the better to serve the people. Among the poets represented here, no less than three had sacrificed their lives, during the US-Marcos regime and the US-Aquino regime, in furtherance of the people’s struggle.

The poems chosen for this anthology depict a variety of events and activities in the countryside based on the actual experiences and observations of the poets. They highlight the historic escape of the revolutionary forces from the encirclement-and-suppression campaigns of the enemy; the consolidation and expansion of guerrilla bases and zones; the upswing of the peasant mass movement against militarization and towards the implementation of genuine land reform; the close bond between the working masses and the Red fighters; and the leadership of the proletariat in the revolution. The poems celebrate the revolutionary martyrs, the veterans of the revolution, and the political, economic and cultural changes taking place in the day-to-day life of the working masses. And they put to criticism (this includes the criticism-and-self-criticism. of the poets) the backward ways and actions among the masses and organized forces, while vehemently condemning the infiltrators and traitors to the revolutionary cause.

The terrain of people’s war proffers a grand vista as drawn in the poems. The forest, the rain, the river, the field, the grassland, serve as land-marks of struggle and well-spring of laws governing the study and practice of people’s war in the countryside. But more than anything else, it is the working masses in their huts in the mountain fastnesses or in the plains who dominate this view, they who welcome their Red fighters wholeheartedly.

These poems were written in the present ever advancing stage of strategic defensive of the protracted people’s war, in its most difficult phase of initiating, strengthening and expanding the peasant mass movement and armed struggle in the countryside. This is the historical limits of the poems. Nonetheless, the spirit of sacrifice and hope for victory, the trust in, and mobilization of, the most numerous segment of the population, the militant proletarian standpoint, especially in moments of weakness, of impatience, of enemy deception, of the ebb and flow of the revolution, are salutary virtues coursing through the poems, and therefore they continue to lend vigor to the revolutionary practice of the Filipino masses.

Likewise, the poems serve as guide-posts to the revolutionary poets’ life-history during the period covered by their poetry in this collection. In their distinct, individual manner, the poets share with their readers, from the fullness of their revolutionary consciousness, the dawn-break of a world going through a transformation— of a society, of the poets, of their poetry. Each of their poems has the same ring as STR (For the Triumph of the Revolution), the usual farewell of revolutionaries in their letters—the excitement over a reunion, the rekindling of a sworn oath, the prodding to accomplish tasks, the life-long offering to serve the interests of the masses, the certainty of the correctness and triumph of the people’s struggle.

The poems bear the voice of the Filipino people in struggle.


NILALAMAN / CONTENTS


Pasasalamat

Pinaghanguan ng mga Tula

Introduksyon ni Gayanggang

  1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   17

Añadir el documento a tu blog o sitio web

similar:

Pinaghanguan ng mga tula mga Tula ng Rebolusyong Pilipino 1972-1980 (Palimbagang Pulang Tala, 1982). Bp. 202. Pinotoistensil. Ulos, 1, 1987. Nakalimbag iconLa narrativa del siglo XX hasta 1939
«nivolas», caracterizadas por la desnudez narrativa, la audacia formal, una máxima presencia del diálogo y ausencia de hilo argumental...

Pinaghanguan ng mga tula mga Tula ng Rebolusyong Pilipino 1972-1980 (Palimbagang Pulang Tala, 1982). Bp. 202. Pinotoistensil. Ulos, 1, 1987. Nakalimbag iconTeólogo español, Doctor en Teología por la Universidad Pontificia...

Pinaghanguan ng mga tula mga Tula ng Rebolusyong Pilipino 1972-1980 (Palimbagang Pulang Tala, 1982). Bp. 202. Pinotoistensil. Ulos, 1, 1987. Nakalimbag iconProyecto 1er Bimestre p-202

Pinaghanguan ng mga tula mga Tula ng Rebolusyong Pilipino 1972-1980 (Palimbagang Pulang Tala, 1982). Bp. 202. Pinotoistensil. Ulos, 1, 1987. Nakalimbag iconAsignatura: MÚsicasecundaria s 201 y 202

Pinaghanguan ng mga tula mga Tula ng Rebolusyong Pilipino 1972-1980 (Palimbagang Pulang Tala, 1982). Bp. 202. Pinotoistensil. Ulos, 1, 1987. Nakalimbag iconGuía de examen extraordinario Grupos: 201-202

Pinaghanguan ng mga tula mga Tula ng Rebolusyong Pilipino 1972-1980 (Palimbagang Pulang Tala, 1982). Bp. 202. Pinotoistensil. Ulos, 1, 1987. Nakalimbag iconEstudiante de Ingeniería Eléctrica en la U. N. I. (1972 – 1977)

Pinaghanguan ng mga tula mga Tula ng Rebolusyong Pilipino 1972-1980 (Palimbagang Pulang Tala, 1982). Bp. 202. Pinotoistensil. Ulos, 1, 1987. Nakalimbag icon• Cursos de verano en la Universidad de Santander durante los años 1970, 1971 y 1972

Pinaghanguan ng mga tula mga Tula ng Rebolusyong Pilipino 1972-1980 (Palimbagang Pulang Tala, 1982). Bp. 202. Pinotoistensil. Ulos, 1, 1987. Nakalimbag iconUniversidad Complutense de 1978-1982 Licenciatura en Periodismo

Pinaghanguan ng mga tula mga Tula ng Rebolusyong Pilipino 1972-1980 (Palimbagang Pulang Tala, 1982). Bp. 202. Pinotoistensil. Ulos, 1, 1987. Nakalimbag iconHenry Miller (1891 – 1980)

Pinaghanguan ng mga tula mga Tula ng Rebolusyong Pilipino 1972-1980 (Palimbagang Pulang Tala, 1982). Bp. 202. Pinotoistensil. Ulos, 1, 1987. Nakalimbag iconAlejo carpentier ( 1904 1980 )






© 2015
contactos
l.exam-10.com